Gobernador Michael J. Dunleavy
ESTADO NG ALASKA
** COVID-19 UTOS SA KALUSUGAN **
Inilabas: Marso 27, 2020
Ni: Gobernador Mike Dunleavy
Komisyoner Adam Crum, Ang Kagawaran ng Kalusugan at Panlipunan ng Alaska
Doktora Anne Zink, Punong Opisyal ng Medikal, Estado nang Alaska.
Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na Koronavirus 2019 (COVID-2019), and Estado nang Alaska ay naglabas ng ika labing-isang pangkalusugang utos batay sa awtoridad nito sa ilalim ng Deklarasyong Pampublikong Pangkalusugang Pang-Emergency na nilagdaan ng Gobernador Mike Dunleavy noong Marso Onse, 2020 (March 11, 2020).
Dahil sa pagtaas ng pag-alala para sa bagong kaso nang COVID-19 na nakakahawa sa pamamagitan ng pagkalat sa komunidad sa loob ng isang lugar, si Gobernador Dunleavy at ang Estado nang Alaska ay naglabas ng mga sumusunod na kautusan na maikaka-sakatuparan sa Marso bente-otso, 2020 (March 28, 2020) sa oras na alas-singko nang hapon (5:00pm) at muling susuriin sa Abril Onse, 2020 (April 11, 2020).
Ang utos na ito ay inilabas upang maprotektahan ang kalusugan ng mamayan ng Alaska. Ang Gobernador ay patuloy na magtatatag ng pare-parehong utos sa lahat ng Estado upang mapagaan ang epekto nang COVID-19. Ang layunin ay para mapapatag ang pagtaas ng bilang at mapahinto ang pagkalat ng sakit na ito.
Ang layunin ng utos na ito ay para mapigilan ang mga kilos ng bawat indibiduwal sa loob ng Alaska para maprotektahan, mapabagal at ang mapigilan ang pagkalat ng sakit dulot ng COVID-19.
Ang Estado nang Alaska at ang Kagawaran ng Kalusugan at ang Serbisyong Panlipunan ng Alaska ay kinikilala ang kahalagahan ng pagkalayo-layo (Social Distancing), ang mapanatili ang kahalagahan ng serbisyo sa kalusugan, ang pangpublikong serbisyo at iba pang mahalagang negosyong aktibidad, mapabagal at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa Alaska. Nararapat lamang na ang lahat ng mamamayan ay tumupad sa mga panuntunang ito.
PANGKALUSUGANG UTOS 011- Pagkakalayo-layo o Distansiya sa isat-isa
Epektibo sa ika alas-singko (5:00 pm) nang Marso Bente-Otso nang taong ito (March 28, 2020):
Ang lahat ng tao dito sa Alaska, maliban sa mga taong nakikibahagi sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan, serbsiyong pangpubliko nang gobyerno at ang mga negosyong mahahalaga, ay iniutusang manatili sa kanilang mga lugar o residensiya o bahay at sanaying gawin ang pagkakalayo-layo sa isat-isa. Para sa kadahilanan ng utos na ito ang pagkakalayo-layo ay nangangahulugan ng distansiya na may kalayuang anim na talampakan (6 feet) o mas malayo nang kaunti mula sa taong hindi mo kasama sa bahay o tahanan. Basahin ang “Utos (Mandato) Onse at Dose nang mga Katanungan” (11 & 12 FAQ’s) para sa iba pang detalye na matatagpuan sa: http://dhss.alaska.gov/dph/Epi/id/Pages/COVID-19/default.aspx
Kasama sa kritikal na imprastraktura ang mga bagay na nakalista sa “Mahalagang Serbisyo ng Alaska at Kritikal na imprastraktura” (dating Kalakip A) https://gov.alaska.gov/wp-content/uploads/sites/2/03232020-COVID-19-Health-Mandate-010-Attachment-A.pdf
- Inuutusan ng Gobernador ang mga indibidwal na sumunod sa mga sumusunod:
- Magtrabaho mula sa bahay hangga’t maaari (tignan ang Kautusan ng Mahalagang Serbisyo ng Alaska at Kritikal ng Trabahador Imprastraktura).
- Mabilis na ibukod o ihiwalay ang isang kaanak na may sakit. https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/hcp/guidance-prevent-spread.html#precautions.
- Ang panlabas na aktibidad (halimbawa, paglakad, paglalakad, pagbisekleta, pagtakbo, pangingisda o pangangaso) ay pinapayagan kapag ang distansya ay anim na talampakan o mas malayo ay mapapanatili sa pagitan ng indibidwal na hindi kasama sa bahay.
- Ang sinumang indibidwal na nagpapakita nang mga sintomas ng sakit ay hindi dapat iwanan ang tahanan, maging ang pumunta sa trabaho, maliban na lang kung kinakailangang magpatingin o dapat tumanggap ng pangangalagang medical.
- Lahat ng indibidwal ay nararapat na huwag sumama o makisama sa anumang pagtitipon sa mga taong hindi kasama sa bahay, hindi mahalaga kung kakaunti silang nagtitipon. Kasama nito ang mga kasalan, pananampalatayang pagtitipon, graduations at funeral.
- Ang mga indibidwal na nakakaranas ng kawalan ng tirahan ay hindi sakop ng utos na ito ngunit hinihimok na makakuha nang matitirhan.
- Iniuutos ng Gobernador ang pagsasara nang mga hindi mahahalagang negosyo:
- Lahat ng mga negosyo dito sa Alaska maliban sa mga nakalista sa Kautusan ng Mahalagang Serbisyo ng Alaska at Kritikal ng Trabahador Imprastraktura ay kinakailangang itigil lahat ang mga aktibidad sa mga pasilidad na matatagpuan sa loob ng estado maliban sa Mababang Pangunahing Operasyon, tulad ng tinutukoy sa Seksyon II(c). Para sa kalinawan, ang mga negosyo ay maaari ring magpatuloy ng mga operasyon na binubuo nang eksklusibong empleyado o mga kontratista na nagsasagawa nang mga aktibidad sa kanilang sariling tirahan (hal. Nagtratrabaho mula sa bahay).
- Para sa mga layunin ng mandatong ito o kautusan, ang mga saklaw na negosyo para sa non-profit, profit or pang edukasyong entitad, anuman ang likas na katangian ng serbisyo, ang pagpapaandar nila o istraktura nang korporasyon.
- “Mababang Pangunahing Operasyon” nakapaloob dito ang mga sumusunod, sa kondisyon na ang mga empleyado ay sumunod sa mga kinakailangang pag-distansya tulad ng tinutukoy sa seksyong ito, hangga’t maaari, habang isinasagawa ang mga naturang operasyon:
- Ang pinakamababang kinakailangang aktibidad upang mapanatili ang halaga nang imbentaryo nang negosyo, matiyak ang seguridad, proseso nang pagpapasweldo (payroll) at benepisyo nang empleyado, o para sa kaugnayang pagpapatakbo.
- Ang pinakamababang kainakailangang aktibidad upang mapadali ang pagtratrabaho nang mga empleyado at maipagpatuloy ang pagtrabaho mula sa kanilang tirahan.
- Ang Gobernador ay inatasan ang mga employers na sumunod sa mga sumusunod:
Para sa pinakabagong impormasyon sa COVID-19, bisitahin ang coronavirus.alaska.gov
Estado ng Alaska COVID-19 Mandate 011
- Ang mga pribadong negosyo na mahalaga ang mga serbisyo at kritikal ang imprastraktura ay sisiguraduhing susunod at gagawin lahat na may kaakibat na pag-iingat upang makasiguro sa maayos na kalusugan ng kanilang nasasakupan at mga empleyado.
- Ang mga pampublikong negosyo na nagkakaloob ng ikabubuhay na serbisyo at kritikal na imprastraktura ay magkakaloob ng pagpapa-alala patungkol sa pagkakaroon ng tamang distansiya ang mga empleyado at ibang mga tao. Kasama nito ang mga pagpapalawak sa pamamaraan ng paghatid (deliver), serbisyong drive-through, limitahan ang bilang ng mga tao sa isang gusali, ang maliwanag na paglalagay ng palatandaang anim na talampakan sa pagitan ng bawat tao o ang pagtatalaga nang oras na susundin ang mga tao para maiwasan ang pagkasabay-sabay nila sa iisang lugar o establisamento.
- Ang taga pamalakad sa isang lugar ng trabaho ay kailangang piliin kung sino ang maaaring magtrabaho sa kanilang bahay at upang hikayatin sila na gawin ito.
Ang paglabag sa kautusan ng Estado patungkol sa COVID-19 ay ang posibleng paghinto nang establisamento sa kanilang operasyon at/o ang pagkakaroon ng multa sibil na isang libong dolyar ($1000.00) bawat paglabag.
Karagdagan para sa maaaring multa sibil na tinutukoy, ang isang tao o organisasyon na hindi tutupad na sundin ang mga palatuntunan o kautusan sa COVID-19 para sa pagprotekta sa pampublikong kalusugan mula sa mapanganib na virus at sa idinudulot nito na maaaring, sa ilalim ng mga pagkakataon, gayunding mahahatulan na walang pag-iingat sa pagbabanta nang panganib alinsunod sa kautusan ng Alaska 11.41.250.
Ang mga walang pag-iingat sa pagbabanta ay ang mga sumusunod:
- Ang isang taong nakagawa nang paglabag ay ‘yong nakisama o nagsagawa nang isang bagay na nakakasama at nagdudulot ng pisikal na pinsala sa kapwa tao.
- Ang walang pag-iingat sa pagbabanta ay isang klase nang isang Krimen.
Alinsunod sa kautusan ng Alaska 12.55.135, ang isang nasasakdal na nahatulan ng isang krimen ay maaaring maparusahan sa isang tiyak na pagkabilanggo nang hindi hihigit sa isang taon.
Bilang karagdagan sa ilalim ng kautusan ng Alaska 12.55.035, ang isang tao ay maaaring magmulta o magbayad hanggang dalawamput-limang libong dolyar ($25,000) para sa pagkakagawa nang isang krimen, ang isang negosyo ay mahahahatulang magbayad ng multa nang hindi hihigit sa dalawang milyon-limang daang libong dolyar ($2,500,000) para sa pagkakagawa nang krimen na magdudulot sa kamatayan ng iba, o limandaang-libong dolyar ($500,00) para sa krimen na ang dulot ay hindi kamatayan sa iba.
Ang kautusan o mandatong ito ay mananatili sa anumang local na pamahalaan o kautusan ng tribo, direktiba o utos.